"Minsan talaga, gano'n."
Minsan nga naman talaga, 'yun lang ang tanging maiisip mong idahilan sa mga bagay bagay na hindi mo maintindihan. Sa mga ganoong pagkakataon, ano pa nga ba ang pwedeng sabihin? Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangang maintindihan ang bawat detalye ng mga pangyayari, minsan, mas masaya na hayaan na lang natin na dumating unti-unti ang mga dahilan, nang hindi hinahanap, nang hindi pinipilit.