<body background="http://i118.photobucket.com/albums/o98/wishix/flowerspot_black_bg2.jpg"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/1655538894774358118?origin\x3dhttps://jill-te.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>




Wednesday, September 5, 2007

"Palagay ko'y matatandaan kita hanggang huli ng buhay ko. Maski magkita tayo sa isang panahon na puti na pareho ang buhok natin, isang tingin sa'yo at makikilala pa rin kita agad." -Bata, bata, Pa'no ka ginawa?, Lualhati Bautista

oo na gaya gaya ako, ni-post din ng ate ko to sa blog niya, pero pakshew, ang tindi kase ng kowt na to. :)

simple lang ang mga salita, maaaring may iilan nang nagsabi nito, na di man lang naisip na ang mga binitawan nilang mga salita ay nagdulot ng kakaibang epekto sa kanilang pinagsabihan. para sa kin naman, habang binabasa ko ito ay may isang taong pumasok sa isip ko. at dahil low EQ ako at di ko mahintay na magtext siya para kunyari'y nireplayan ko lang siya, eh pinadala ko sa kanya ang text na to. sa tingin ko'y di siya gaanong naantig, mas nabigla ata siya sa aking biglang pagpaparamdam, na tila'y naghibernate ako ng dalawang seasons at bigla nalang naisipang mabuhay muli. hehe. samahan pa ng napag-usapan namin nina ate char sa aming aic last week(naks, tapos na kami sa adg!).. eh ewan ko na lang at parang nagcoconspire ang buong universe para ipaalala sa kin si patlang. hai. kailangan kong makausap si shaine! pero naiisip ko na rin naman kung anong sasabihin niya.. at malamanglamang ay pagagalitan lang ako nun, kaya huwag na lang siguro. di naman niya tinitingnan tong blog na to. hehe :) ay, di ko lang pala kay patlang pinadala itong kowt na to, kay nico rin. siya kase ang pangalawang pumasok sa isip ko. sa ngayo'y wala pa rin akong nakikilalang pagkakatiwalaan ko tulad ng pagtitiwala ko kay patlang, pero aanhin pa ang tiwala kung di na rin naman masaya diba? pero sabagay.. imposible namang maging tuwa ang tawa kung walang tiwala. hai. ang gulo? hehe. bakit ka nagpaiwan, kahit umalis ako? .."eh bakit ka umalis, kahit naiwan ako?" galing talaga ni lualhati bautista. at kung anu-ano na ang naiisip ko ngayon. haha. =/


12:20 AM