(at bakit nanaman ako nagboblog sa blogspot? haha!)
oh well. i'm supposed to be doing my MP10 paper now, it's actually almost done (naka-2 pages na ko, out of the 12 required) hahaha! at tinatamad lang ako. madali lang naman siya, mejo nakakapdepress nga lang natututunan ko dahil sa paper na yun.
yung dapat kasing gawin, paper about your hometown. so syempre, angeles. tapos, nung sinearch ko sa google ang angeles city, amfufu! puro bars at nightlife ang lumitaw. ganun na ba talaga ang reputasyon ng mahal kong ciudad? :c at special mention pa ang diamond subdivision. haihai. i remember last june, during our hong kong trip.. may nameet kaming middle eastern, tas tinanong niya kung tga saan kami sa pinas, sabi ni ma sa angeles.. tas sabi nung terorista-look-alike na mama, "ahh.. angeles, so many puta.." shoot! tas sabi na lang ni ma pag-talikod nung mama, "in your country so many terrorists!" pero kahit ang joketime nung moment na yun, malungkot pa rin kase sino ba namang may gusto na ganun ang reputasyon ng sariling hometown? diba. oh well. sabi nga ni carlos celdran, "if you want to change the way manila looks, change the way you look at manila" at palitan na lang yung manila sa angeles. haha. so let's change the way we look at angeles. sana, sa aking munting paper (na 1/6 palang ang nagagawa) eh mapalitan ko ang "night-life-central" na pananaw ng mga tao sa angeles. at maging.. culinary center, o di kaya'y home of the prettiest women in the philippines! hahaha! nako. at dun sa isang website, nalaman ko rin na ginamit bilang ospital ng US Army ang holy family academy, oldsite. grabe! alin kaya dun? sm, sj, o sb? kaya pala maraming kababalaghan ang nangyayari dun (chos!) haha!
oh well. nuf about my paper. isa pang gusto kong ikwento ay ang talents night! haha! tapos na sa wakas! nalampasan na namin ng mga mahal kong batchmates ang talents night! hooooray!!! though nakakalungkot ng konti dahil hindi na kami magpapractice araw araw, at mahirap naman magset ng batch bonding dahil.. wala lang, ang hectic ng aming mga skeds. haha. dahil sa talents night, nakaclose ko ang mga batchmates ko na hindi ko kaclose noon, even after the first batch bonding. nalaman rin namin ang mga tinatagong talento ng iba't iba. at naconfirm rin na hindi talaga ako marunong umawit o sumayaw. haha! pero nareveal din naman ang aking ibang talento.. tulad ng galing ko sa pag-burp, at ang pagtulog ko na bukas ang mata- isang secretong tanging mga boardmates ko lang ang nakakaalam noon. haha!